Isang Malugod na Pagbati sa UP

Noong nasa kolehiyo pa ako, madalas na binabahagi sa akin ng isa kong kaibigan ang mga kuwentong pag-ibig mula sa peyups website. Laging may kurot sa puso ang bawat kuwento – at isa sa dahilan nito ang aking paghanga sa UP.

Bata pa lang kasi ako, sinabi ko na sa aking sarili na sa UP ako papasok para sa kolehiyo. Sa kasamaang-palad, hindi ako pumasa at nilasap ko na lang ang mga kwentong binabahagi sa akin mula sa Peyups, ang tugtugin ng Eraserheads at ang pagkain namin sa mga kilalang lugar sa kanilang campus, tulad ng Mang Larry’s at Chocolate Kiss. Sila at UST lang ang pinapalakpakan ko tuwing Cheerdance Competition.
Naging masaya na rin ako at napamahal sa aking pamantasang aking pinasukan, kaya ba hindi ko na ninais na lumipat sa UP. Pero nanatili pa rin ang paghanga ko sa UP, lalo na sa kanyang sariling kultura. Ngayong nagta-trabaho na ako, tuwang-tuwa akong makakilala ng Isko at Iska at sinasabi ko talaga sa kanila ang aking paghanga sa kanilang paaralan.
Kapag nagkaroon ako ng anak, pagdadasal ko at sisikapin kong makapasok sila dun. (Kung gusto lang nila – pero medyo malayo pa yun :p)
Ngayon, matapos ang ilang taon, nanalo ang UP sa UAAP Men’s Senior Basketball at muling lumabas ang pagkahanga ko sa kanila dahil sa malugod at masaya nilang pagtanggap sa panalong ito.
Binabati ko uli ang UP sa kanilang pagpanalo! Tulad ng NU, makakaahon rin kayo. Mas maganda naman talaga na mas maraming naghahamunan sa ligang ito kaysa iilan.
Nawa’y magharap kayo ng aking pamantasan sa finals sa mga susunod na taon. (Magharap lang kasi kami pa rin ang mananalo) 😀

Viewing the World with Me

  • 11,010 pairs of eyes

Archives

MyFreeCopyright.com Registered & Protected
Rating for aisadelacruz.wordpress.com